Monday, March 23, 2026

𝗣𝗛𝗜𝗟𝗜𝗣𝗣𝗜𝗡𝗘 𝗗𝗘𝗘𝗥, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗡𝗗𝗨𝗤𝗨𝗘

‎Cauayan City – Muling namataan ang Philippine deer sa iba’t ibang bayan ng Marinduque matapos itong hindi makita sa loob ng maraming taon, ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

‎Itinuturing itong mahalagang tagumpay sa konserbasyon na pinangunahan ng DENR MIMAROPA katuwang ang mga lokal na komunidad.

‎Ayon sa ulat, nakumpirma ang presensya ng naturang hayop sa pamamagitan ng Biodiversity Monitoring System, camera traps, at information campaigns sa ilalim ng Marinduque Wildlife Sanctuary.

‎Noong 2025, naitala ang ilang sightings, kabilang ang hindi bababa sa sampung indibidwal sa Barangay Makulapnit, habang may mga bakas din na nakita sa Boac at iba pang lugar.

‎Sa kabila nito, nananatili ang banta sa kanilang populasyon dahil sa illegal hunting, poaching, at pag-atake ng mga asong-gubat.

‎Isa sa mga insidente ang nangyari noong Disyembre 28, 2025 kung saan isang babaeng usa ang nakaligtas sa pag-atake sa Balagbag Range.

‎Patuloy namang pinalalakas ng Protected Area Management Board ang ugnayan sa mga ahensya at komunidad upang maprotektahan ang wildlife, alinsunod sa Republic Act No. 9147.

‎Ayon sa DENR, patunay ang muling paglitaw ng Philippine deer na epektibo ang sama-samang pagkilos, ngunit kinakailangan pa rin ang tuloy-tuloy na pangangalaga upang masiguro ang kanilang kaligtasan.

‎Source: DENR-MIMAROPA

Facebook Comments