𝗣𝗛𝗜𝗟𝗦𝗬𝗦 𝗠𝗢𝗕𝗜𝗟𝗘 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗨𝗠𝗔𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Nagpapatuloy ang pag-iikot ng pamunuan philippine statistics authority o psa sa mga barangay ng pangasinan upang mabigyan ng pagkakataon ang mga residenteng hindi pa nakapagparehistro sa Philippine Identification System o PhilSys.

Mayroong itinatakda bawat araw ang pamunuan ng partikular na barangay sa mga munisipalidad na siyang tutunguhin ng mga residente upang makapagparehistro.

Isinasagawa sa ngayon ang pagpaparehistro partikular na sa mga barangay ng malasiqui, asingan, bayambang, bolinao, binmaley, sto. Tomas, san jacinto, mabini, calasiao, lingayen, pozorrubio, natividad, at mangaldan.

Inaanunsyo ng kagawaran ang mga barangay na pupuntahan nito para sa registration sa kanilang facebook page na philsys pangasinan.

Samantala, muling paalala ng psa sa publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang double registration dahilan na maaaring magdulot ito ng delay o pagkaantala sa standard verification process. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments