𝗣𝗛𝗜𝗟𝗬𝗦𝗬𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗔𝗣𝗜𝗧 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗘𝗗𝗥𝗜𝗗𝗗𝗘𝗡 𝗣𝗔𝗧𝗜𝗘𝗡𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗦𝗨𝗥

Inilapit sa mga bedridden patients sa lalawigan ng Ilocos Sur ang PhilSys Registration ng Philippine Statistics Authority o PSA.

Naiparehistro ang sampung mga pasyente sa pagsasagawa ng House-to-House Registration campaign partikular sa Brgy. Pantay-Tamurong, Caoayan, sa lalawigan. Layon nitong maipaabot lalo na sa mga kabilang sa vulnerable sektor ang ibat-ibang serbisyo at maging accessible ang mga ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng National ID.

Samantala, patuloy pang umaarangkada sa iba’t-ibang lugar ang PhilSys Registration ng PSA sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments