𝗣𝗛𝗣 𝟭𝟰𝗠, 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗡𝗬𝗢𝗦 𝗦𝗔 𝗖𝗢𝗥𝗡 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗕𝗨𝗡𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗘𝗟 𝗡𝗜Ñ𝗢

Tinatayang nasa PHP 14M ang halaga ng danyos o pinsala sa kabuuang corn o mais production sa lalawigan ng Pangasinan dahilan pa rin ang patuloy na nararanasang epekto ng El Niño Phenomenon, ayon sa pinakahuling tala ng Provincial Agriculture Office (PAgO), mula Enero 26 hanggang Marso 31 ngayong taon.

Ilan sa mga bayan na apektado ng yellow corn production loss ay ang Infanta, Aguilar, Bugallon, Mapandan, Bayambang, Mangaldan, Manaoag, San Fabian, Alcala, Bautista, Laoac, Umingan, Natividad, Sta. Maria, San Quintin at Balungao.

Katumbas nito ang apektadong nasa 751 na ektaryang sakahan o 346.31 na metrikong tonelada.

Nasa higit P78M naman ang halaga ng production loss sa palay dahilan ang naranasang matinding tagtuyot sa lalawigan.

Bilang pagtugon, nagpapatuloy ang isinasagawang monitoring at pamamahagi ng tulong ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga Pangasinenseng magsasaka na apektado ng El Nino tulad ng pagbibigay ng farm inputs, fertilizers at chemicals at iba. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments