Isang pick up na sasakyan ang nahulog sa ginagawang drainage ng DPWH sa kahabaan ng Perez Boulevard, Dagupan City kagabi dakong alas-otso ng gabi.
Kita sa CCTV ang pag-bwelta ng nasabing pick up, pagkatapos ay sumakay ang isang lalaki.
Umabante pa ng kaunti ang pick up at dito na tuluyang nahulog sa ginagawang drainage ang nasabing sasakyan.
Humingi ng saklolo ang mga lulan ng pick up kung saan makikitang rumesponde ang mga otoridad upang tulungan ang may-ari na maiahon ang sasakyan nito.
Ilang netizens ang nagsabing mag doble ingat at ang ilan naman ay sinisisi ang kawalan umano ng tamang signage sa nasabing lugar kung saan may malalim na hukay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments