𝗣𝗜𝗡𝗦𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗡𝗚 𝗔𝗧 𝗛𝗔𝗕𝗔𝗚𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗣𝗨𝗠𝗔𝗟𝗢 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗣𝟴𝟳𝗠

Pumalo na sa mahigit 87 milyon ang danyos na dala ng Bagyong enteng at habagat sa Pangasinan. Sa inisyal na datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, tinatayang nasa P18, 000,000 ang pinsala sa mga pananim tulad ng palay at mais, maging sa livestock at aquaculture sa probinsya.

Pagbabahagi ni PDRRMO Emergency Operations Center Assistant Director Pia Flores, nasa higit P69, 000,000 ang paunang pinsalang naitala sa impastraktura mula sa mga kakalsadahan sa Pangasinan.

Ang mga nabanggit na bilang ay posible pang magbago sa isasagawang balidasyon ng Provincial Agriculture Office.

Sa kasalukuyan, nasa ilalim pa rin ng red alert status ang PDRRMO sa pagantabay sa kabuuang epekto ng habagat sa buong Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments