Thursday, January 29, 2026

π—£π—Ÿπ—”π—‘π—’π—‘π—š π—£π—”π—šπ—£π—”π—£π—”π—§π—”π—¬π—’ π—‘π—š π— π—”π—šπ—”π—§ 𝗗𝗔𝗠 𝗧𝗒𝗨π—₯π—œπ—¦π—  𝗛𝗨𝗕 𝗦𝗔 π—₯𝗔𝗠𝗒𝗑, π—œπ—¦π—”π—•π—˜π—Ÿπ—”, 𝗦𝗨𝗦𝗨𝗣𝗒π—₯𝗧𝗔𝗛𝗔𝗑 π—‘π—š π—‘π—œπ—”-𝗠𝗔π—₯π—œπ—œπ—¦

Cauayan City – Buong suporta ang ipinahayag ng National Irrigation Administration–Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS) sa panukalang Magat Dam Tourism Hub ng bayan ng Ramon, Isabela na layong palakasin ang sustainable tourism at lokal na ekonomiya.
Β 
Ipinabatid ang suporta ng ahensya sa ginanap na mobile session ng Sangguniang Bayan ng Ramon noong Enero 20, 2026 sa Camp Vizcarra Ecology Hall, na dinaluhan ng mga opisyal ng NIA-MARIIS sa pangunguna nina Department Manager A Engr. Gileu Michael O. Dimoloy at Division Manager A Engr. Carlo C. Ablan.
Β 
Ayon kay Department Manager Engineer Gileu Michael P. Dimoloy, matagal nang kinikilala ang Magat Dam bilang pangunahing ecotourism destination, na umani ng mahigit 10,457 bisita mula December 23, 2025 hanggang January 4, 2026.
Β 
Aniya, ang Magat Reservoir at Watershed ay tahanan ng mayamang ecosystem ng mga halaman at hayop na may mahalagang halaga sa kalikasan at edukasyon.
Β 
Binigyang-diin din ni Dimoloy ang mahahalagang tungkulin ng iba’t ibang divisio ng NIA-MARIIS sa pagpapanatili ng dam, kabilang ang Watershed Management Section, Civil Works Section, Electro-Mechanical Section, Flood Forecasting and Instrumentation Section, at Administrative and Finance Section, na sama-samang tumitiyak sa ligtas na operasyon ng Magat Dam.
Β 
Dagdag pa niya, ang panukalang tourism hub ay magsisilbing pangangalaga sa kalikasan, serbisyong publiko, at edukasyon, habang isinasaalang-alang ang kapakanan ng mga karatig-komunidad.
Β 
Kapag naisakatuparan, inaasahang magbubukas ang Magat Dam Tourism Hub ng mas maraming oportunidad sa kabuhayan, magpapalakas ng turismo, at maghihikayat ng responsableng paggamit at pagpapahalaga sa likas na yaman ng rehiyon.
Β 
Source: PIA-Isabela
Β 
—————————————
β€Ž
β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β€Ž
β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan
Facebook Comments