𝗣𝗡𝗣 𝗖𝗔𝗕𝗔𝗚𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗖𝗛𝗥𝗜𝗦𝗧𝗠𝗔𝗦 𝗗𝗘𝗖𝗢𝗥𝗦

Cauayan City — Nagpaalala ang PNP Cabagan sa publiko na maging maingat sa paggamit ng Christmas decorations upang maiwasan ang sunog at iba pang aksidente ngayong Kapaskuhan.
Ayon sa pulisya, mahalagang tiyaking lehitimo at aprubado ng Department of Trade and Industry ang mga dekorasyon at produktong de-kuryente na ginagamit sa bahay.
Pinayuhan din ang mga residente na iwasang isaksak sa iisang extension o electrical plug ang maraming dekorasyon at appliances.
Dagdag pa rito, kailangang suriing mabuti ang Christmas lights, lalo na kung may exposed o sirang bahagi, at huwag nang gamitin ang mga ito kung may depekto.
Bilang dagdag na pag-iingat, hinikayat ng PNP Cabagan ang publiko na i-switch off ang mga de-kuryenteng dekorasyon lalo na kapag aalis ng bahay o matagal nang nakabukas.
Layunin ng paalala na masiguro ang ligtas at payapang pagdiriwang ng Pasko sa buong bayan.
Source: Cabagan PS
Facebook Comments