Muling nagpaalala ang Pangasinan PNP kaugnay sa pag-iwas sa aksidente matapos ang mga sunod-sunod na mga aksidente na naitala sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa naging panayam ng IFM News Dagupan Kay Pangasinan PNP Public Information Officer Police Captain Renan dela Cruz, sinabi nito na sa kanilang monitoring kasama ang Highway Patrol Group, dumadami na naman ang mga naitalang mga aksidente sa mga pangunahing lansangan sa Pangasinan.
Kaugnay nito ay ang muling pagpapaalala ng mga hindi at dapat gawin bago magmaneho.
Kaugnay dito ay ang pagsulputan ng mga tinatawag na mga kamote drivers na tila hindi alam ang mga batas sa mga lansangan.
Sa ngayon ay motorsiklo pa din ang nangungunang dahilan ng aksidente sa lansangan kung saan ay halos araw-araw ay may mga naitalang aksidente. |πππ’π£ππ¬π¨