𝗣𝗡𝗣 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗦𝗣𝗘𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗨𝗡𝗔𝗛𝗜𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗦 𝗧𝗘𝗥𝗠𝗜𝗡𝗔𝗟𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗕𝗜𝗡𝗦𝗜𝗬𝗔

Bilang paghahanda sa seguridad ng mga bumibiyahe ngayong Undas, nagsagawa ng inspeksyon si PNP Pangasinan Provincial Director PCOL Rolly Capoquian sa mga pangunahing bus terminals sa probinsya.

Ilan sa mga tinungo nito ay ang bus terminals sa Lingayen, Dagupan City, Urdaneta City, Rosales, Bayambang, Malasiqui, at San Carlos City.

Ayon sa opisyal, naka heightened alert na ang PNP Pangasinan at handa na sa pagsisiguro ng kaligtasan ng publiko. Aniya, patuloy ang pakikipag ugnayan nito sa mga kompanya ng bus terminals para sa kaligtasan ng publiko ngayong inaasahang dadagsa ang mga mananakay na uuwi sa probinsya.

Dagdag ni Capoquian, nagdeploy rin ng pulis sa mga bus terminals ang PANGPPO na magtatagal hanggang sa matapos ang paggunita ng Undas.

Samantala, tiniyak ng pamunuan ng ilang bus companies sa probinsiya na naka kondisyon ang lahat ng mga bumabyaheng bus ng mga ito at sakaling magkaroon ng aberya ay may nakahandang reserba upang maiwasan ang aberya sa byahe ng mga commuters. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments