𝗣𝗡𝗣 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗧𝗜𝗡𝗜𝗬𝗔𝗞 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗘𝗡𝗦𝗘 𝗔𝗧 𝗧𝗨𝗥𝗜𝗦𝗧𝗔 𝗡𝗔 𝗕𝗜𝗕𝗜𝗦𝗜𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗦𝗬𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗕𝗜𝗡𝗦𝗬𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Tiniyak ng Pangasinan Police Provincial Office ang kaligtasan ng mga Pangasinense at mga turistang bibisita sa bawat pasyalan sa lalawigan.
Sa naging panayam ng IFM News Dagupan kay Pangasinan PPO Information Officer PCap. Renan Dela Cruz, sinabi nito na makakatiyak ang mga bisita na sila ay magiging ligtas sa pamamagitan ng pamumuno ni PNP Pangasinan Director PCol. Jeff Fanged kung saan ginagarantiya ng kapulisan ang bawat sinumang magtutungo sa bagong bukas lamang na pasyalan sa Capitol Beach Front Part sa bayan ng Lingayen maging sa iba’t ibang mga pasyalan sa lalawigan.
Dagdag pa nito na ipapadama ng kapulisan sa lahat ng mamamayan na ligtas sila sa lahat ng atraksyon.

Tiniyak din nito na may mga nakatalagang kawani ng pulisya sa mga atraksyon upang siguruhin at magbigay ng peace and order sa mga lugar na ito.
Dahil dito, hinikayat ng opisyal ang mga turista at bisita samantalahin ang pamaskong handog ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan sa pangunguna ni Gov. Ramon Guico III ngayong kapaskuhan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments