𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗘 𝗩𝗜𝗦𝗜𝗕𝗜𝗟𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗞𝗜𝗡 𝗣𝗔 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗦𝗞𝗢

Cauayan City – Pinalawak ng Philippine National Police ang police visibility sa mga pampublikong lugar sa Nueva Vizcaya ngayong Pasko upang masiguro ang kaayusan at kaligtasan ng mamamayan.
Ayon sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO), bahagi ito ng pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad at para sa mas ligtas na selebrasyon ng holidays.
Sinabi ni Police Colonel Paul Bometivo, Provincial Director ng NVPPO, na patuloy ang kanilang pagsasagawa ng foot at mobile patrols, paglalagay ng police assistance desks,at pakikipag-ugnayan sa church marshals, mga opisyal ng barangay, at volunteer groups.
Ayon kay Bometivo, mula nang magsimula ang Simbang Gabi noong Disyembre 16, 2025, nananatiling mapayapa at maayos ang sitwasyon sa mga simbahan sa buong lalawigan, na walang naitalang insidente sa kabila ng pagdagsa ng mga debot.
Tiniyak din niyang paiigtingin pa ang seguridad hanggang matapos ang lahat ng Christmas-related activities.
Hinikayat din ng hepe ang publiko na maging mapagmatyag at makipagtulungan sa pulisya sa pamamagitan ng agarang pag-uulat ng mga kahina-hinalang gawain.
Samantala, inihayag ni Police Brigadier General Antonio Marallag, PNP Regional Director, na napatunayang epektibo ang police visibility sa pagpigil ng krimen at sa pagbaba ng insidente ng kriminalidad sa rehiyon.
Source: NUEVA VIZCAYA PPO
Facebook Comments