Umapela sa naganap na Committee Hearing ng Proposal Fiscal Year 2025 sa kamara ang namumunong kongresista sa ikalawang distrito ng Pangasinan na si Mark Cojuangco ukol sa pagpondo sa isinusulong na pagtatayo ng nuclear power plant sa lalawigan.
Aniya, kinakailangang mabigyan ng atensyon ng Department of Finance ang ukol sa pagpondo upang maitaguyod at muling mabuhay ang power plant sa bansa.
Layon nitong mapakinabangan ng mga Pilipino ang maaasahan, malinis at murang kuryente sa gitna na rin ng nararanasang krisis sa kuryente ngayon.
Samantala, kasabay nito ay naunang iminungkahi ng kongresista ang alloted funds ng buong ikalawang distrito ng Pangasinan para sa susunod na taon upang maipatupad ang iba’t-ibang mga programa at proyektong bebenipisyo sa mga Pangasinense.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨