𝗣𝗢𝗦𝗜𝗕𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗛𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗠𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗔𝗦𝗧, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗔

CAUAYAN CITY- Bagama’t ilang bahagi lamang ng Barangay Dammang East ang nalulubog sa baha ay pinaghahandaan pa rin ito ng mga opisyal sa bayan ng Echague.

Sa panayam ng IFM News Team kay Punong Barangay Ernesto Ibarra, dahil malapit ang kanilang barangay sa ilog ay nakakaranas sila ng pagbaha sa ilang Purok kaya ninanais ng mga ito na makumpleto ang kanilang flood equipments.

Aniya, sa panahon ng kalamidad ay hindi naman pahirapan sa paglikas sa mga residente dahil agad na sumusunod ang mga ito alituntunin ng mga otoridad.


Dagdag pa niya, laging nakahanda naman ang kanilang pamunuan sa pagsagip sa mga nangangailangan at apektadong residente.

Samantala, sa kasalukuyan ay mayroong apat na bangka ang Brgy. Dammang East at ito muna kanilang gagamitin kung sakali mang magkaroon ng pagbaha sa lugar.

Facebook Comments