Pinaghahandaan na ngayong ang posibleng pagtama ng malakas na lindol sa bansang Pilipinas. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, posible ang pagtama ng higit sa Magnitude 8 na lindol sa bansa base sa isinagawa nitong pagsusuri.
Dagdag pa ng PHIVOLCS, na capable o kayang magprodyus ng hanggang Magnitude 8.2 na lindol ang bahagi ng Manila at Philippine Trench. Gayundin, ang Philippine Fault Zone sa bahagi ng Gabaldon.
Samantala, ipinaalala nito na ang Pilipinas ay nakapaloob sa Pacific Ring of Fire kung kaya’t posible ang ganitong kalakas na lindol.
Sa lungsod ng Dagupan, nagpatawag ang alkalde ng pagpupulong katuwang ang mga first responders kung saan inilatag nito ang ibayong paghahanda para sa kahit anong sakunang posibleng tumama sa lungsod.
Kamakailan naging sunod-sunod ang pagyanig sa mga katabing bansa ng Pilipinas tulad ng Japan at Taiwan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨