Naranasan sa ilang bahagi ng Urbiztondo ang power interruption sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Kristine dahil sa isinagawang pagsasaayos ng mga linya ng kuryente at road clearing operations.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Urbiztondo MDRRM Officer Arlene Muñoz, kinakailangang patayin ang koneksyon ng kuryente upang matapos ang paglilinis sa mga natumbang puno.
Ilan pa sa mga bayan na nakaranas ng power interruption sa lalawigan ay ang Bayambang, San Carlos City, Malasiqui, Lingayen, Binmaley at bahagi ng Agno, Bani, Alaminos City.
Samantala, nakahanda naman ang relief packs para sa mga residenteng naapektuhan ng bagyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments