
Cauayan City – Nakatakdang maranasan ng ilang bayan sa lalawigan ng Isabela abg pansamantalang pagkawala ng kuryente sa darating na ika-5 ng Pebrero, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Sa anunsyong inilabas ng Isabela I Electric Cooperative Inc. (ISELCO-1), saklaw ng naturang power interruption ang buong bayan ng Jones, at ilang bayan sa Echague kabilang ang Arabiat, Buneg, Cabugao Dammang East at West, Ipil, Maligaya, bahagi ng Soyung, at iba pa.
Bukod sa mga nabanggit na bayan, mararanasan din ito sa barangay Masaya Centro, Norte, at Sur, Nemmatan, at Santos.
Ang power interruption ay bahagi ng isinasagawang preventive maintenance at pagsasaayos ng tripping coil ng Feeder 3 Garit substation.
Muli na namang pinaalalahanan ng ISELCO-1 ang publiko na ituring na energized ang mga linya upang maiwasan ang anumang aksidente.
Samantala, maaari namang maibalik ng mas maaga ang kuryente sa oaras na matapoa kaagad ang operasyon.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










