Saturday, February 7, 2026

𝗣𝗥𝗖 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗚𝗔𝗚𝗔𝗡𝗔𝗣𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗨𝗦𝗨𝗟𝗜𝗧 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗


‎Cauayan City – Patuloy ang paghahanda ng PRC Cauayan sa limang pagsususlit na nakatakdang ganapin sa Lungsod ng Cauayan ngayong taon.

‎Ayon kay Ms. Jessa Saranay, head ng PRC Cauayan, dalawang pagsususlit ang gaganapin sa Lungsod para sa Criminology at Professional Teachers habang isang pagsusulit naman para sa Nursing.

‎Binanggit rin nito na maayos na ang daloy ng aplikasyon kumpara noong January 05 na umabot sa mahigit 400 applicants.

‎Ipinahayag din nito sa mga nais mag-aapply na dapat ay mayroong online appointment at nabayarang fee, Transcript of Records, Birth Certificate mula sa PSA, at Marriage Certificate para sa mga kasal – mga common documents sa lahat ng professions.

‎Sinabi rin ito na ang nga additional requirements para naman sa bawat profession ay maaaring makita sa kanilang website ng PRC.

‎Maliban dito, ibinahagi rin nito na isa sa kanilang mga nagiging problema ay ang deadline kung saan tsaka sila dinadagsa ng mga aplikante.

‎Kaugnay nito, nakiusap si Saranay sa mga aplikante na siguraduhing maayos at kumpleto ang mga dokumento para hindi ma-deny o ma-defer ang kanilang aplikasyon.

‎Nilinaw din nito na bukas ang kanilang opisina para sa aplikasyon kahit na hindi sa Lungsod gaganapin ang pagsusulit.

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments