Pinuri ng ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Agno ang ilang residente nito dahil sa kanilang kahandaan sa paghagupit ng Bagyong Pepito sa Pangasinan.
Ilan sa mga ito, itinali ang kabahayan at nilagyan ng pabigat ang bubong upang hindi liparin dahil sa malakas na hangin.
Ang ilan maagang pinutol ang sanga ng mga puno at naglinis ng drainages bago pa man maranasan ang bagyo sa lalawigan.
Hindi na rin nahirapang kumbinsihin ang ilang residente sa lugar na mag-evacuate at sila na mismo ang nagkusa upang pansamantalang manuluyan sa mga evacuation centers.
Samantala, patuloy ang paghimok sa mga Pangasinense na maging kaisa sa mga isinagawang disaster preparedness upang mas maging handa ang bawat pamilya sa mga sakuna.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨