𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗕𝗢𝗬 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗕𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗠𝗣𝗨 𝗛𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗣𝗘𝗦𝗢𝗦

Bumaba ang presyo sa kada kilo ng produktong baboy sa pampublikong pamilihan sa Dagupan City sa pagpasok ng taong 2024.

Matatandaan na sa kasagsagan ng Holiday noong December 2023 ay pumalo sa ₱340 hanggang ₱360 ang standard na per kilo nito bagamat ngayong January 2024, bumaba ito ng nasa bente pesos.

Naglalaro sa ₱315 hanggang ₱320 ang presyuhan ngayon sa kada kilo ng nasabing produkto simula pa noong nakaraang linggo.

Ayon sa mga meat vendors, sa tuwing papasok daw ang bagong taon ay maayos ang produksyon nito kaya bumababa ito sa presyo.

Samantala, nananatili naman sa presyuhan ang manok na nasa 180 per kilo at baka na nasa 360 rin sa kada kilo nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments