𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗕𝗢𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗚𝗔𝗟𝗔𝗪

Walang paggalaw at nananatili sa kasalukuyang presyo ang produktong baboy sa mga pamilihan sa Dagupan City sa pagpasok ng buwan ng Marso.

Nasa P340 pesos ang kada kilo ng karneng baboy sa ngayon bagamat madalas itong magbago at naglalaro kadalasan mula ₱320 hanggang ₱350.

Sapat ang magiging suplay ng nasabing produkto hanggang sa mga susunod na buwan dahil nananatiling matatag ang produksyon baboy sa buong Region 1 ayon sa SINAG.

Samantala, ang manok, nasa ₱180 pa rin ang per kilo, walang pagbabago simula pagpasok ng bagong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments