𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗨𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗔𝗦

Nakitaan ng bahagyang pagtaas sa presyo ang bangus sa mga pamilihan sa Dagupan City.

Naglalaro ngayon ang presyo ng Dagupan Bangus mula 170 pesos hanggang 180 pesos kada kilo depende sa klase at laki.

Ayon sa mga tindera ng bangus sa pamilihan, may bahagyang pagtaas sa presyo nito dahil kaunti ang suplay ngayon ng naturang isda dahil natapos na ang harvesting season. Patuloy naman na umiiral sa bagsakan ng isda ang labelling ng mga bangus upang malaman kung saan galing ang bangus.

Samantala, ang galunggong na nagkaroon ng pagtaas sa presyo noong mga nakaraang araw ay nasa 150 pesos per kilo na ngayon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments