𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦, 𝗜𝗡𝗔𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗨𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗔 𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡

Inihayag ni socioeconomic Secretary Arsenio Balisacan na inaasahan ang pagbaba sa presyo ng bigas sa mga susunod pang buwan.

Partikular nitong binanggit na sa buwan ng Septyembre inaasahang mararamdaman ang pagbaba sa presyo ng nasabing produkto bunsod ng matatag na suplay nito sa pandaigdigang merkado.

Matatandaan na nito lang din ay tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na sapat ang suplay ng bigas sa bansa maging ang presyo nito ay stable o matatag.

Sa Dagupan City, nananatiling mababa ang presyo ng bigas at kasalukuyang nasa P45 ang maaaring mabiling pinakamababa sa kada kilo ng produkto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments