Mataas pa rin ang presyo ng bigas sa mga pamilihan sa lalawigan ng Pangasinan kahit pa ipinatupad na ang Executive Order 62 o ang pagpapababa ng taripa nito.
Sa Malimgas Public Market sa lungsod ng Dagupan, pumapalo sa P48 hanggang P60 pesos ang presyo ng bigas dito.
Ilang mamimili ang pinipili na lamang ang pinaka murang presyo upang mairaos ang isang araw na pagkain.
Sa bisa ng EO 62, nasa 15% ngayon ang taripa ng bigas na di umanoy pinaka mababa sa kasaysayan.
Sa naging pahayag naman ni Bantay Bigas Spokesperson Cathy Estavillo sa IFM Dagupan, nanawagan ito na patuloy sanang tutukan ng gobyerno ang produksyon ng bigas sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga lokal na magsasaka at sa pagpapatayo ng post-harvest facilities.
Bagamat, may murang bigas na nabibili sa mga kadiwa centers sa bansa sinabi ni Estavillo na ito lamang ay palabas ng pamahalaan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨