𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦, 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗬 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Nananatiling may kataasan ngayon ang presyuhan ng bigas sa ilang pampublikong pamilihan sa Dagupan City.
Nasa 48 pesos na ang pinakamababang presyuhan sa kada kilo ng bigas na may maayos umanong kalidad, ayon sa mga mamimili.
Mayroon 45 pesos na pinakamura bagamat hindi maganda ang kalidad nito.

Ayon sa ilang mga mamimili, sa ngayon ay mas mainam at tipid daw sa kanila ang pagbili ng 45 pesos na kada kilo kumpara sa 48 pesos dahil sayang na raw ang tres pesos.
Bagamat aminadong mas kagandahan ang 48 otso na bigas, ang mahalaga raw ay makakain pa rin ang pinakamura lalo ngayong ramdam na ng mga ito ang patuloy na pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.
Samantala, matatandaan na inihayag ng Department of Agriculture o DA na sapat ang magiging suplay ng bigas sa paparating na holiday season. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments