𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦, 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗜 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗟𝗨𝗞𝗨𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢

Walang paggalaw ang presyuhan ng bigas hanggang sa kasalukuyan sa ilang pampublikong pamilihan sa lungsod ng Dagupan.

Naglalaro pa rin ang pinakamababang presyo nito mula P45 hanggang P48 sa kada kilo habang nasa P49 at mahigit naman ang well milled rice.

Sa kaugnay na balita, available na sa mga Kadiwa Center sa ilang bahagi sa Metro Manila ang 29 pesos na per kilo ng bigas, alinsunod sa target ng pamahalaan ng mapababa ang presyo nito sa merkado.

Magpapatuloy umano ang pagbenta ng murang bigas dahil inaasahan pa ang 100 million kilos ng palay sa darating na buwan ng Agosto sa tulong mula sa contract farming sa mga Farmers’ Cooperatives Associations (FCAs).

Samantala, umaasa ang ilang Dagupeños na mas mapababa pa hindi lamang ang presyo ng bigas maging ang presyo ng iba pang bilihin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments