𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗔𝗦

Nasa piso hanggang dalawang piso ang naging pagtaas ng bigas sa ilang pamilihan sa Pangasinan, ngayong linggo.

Ayon sa Isang rice retailer sa Calasiao, tapos na umano ang pag-aani kaya’t tumaas din ang presyo pagdating sa kanila.

Naglalaro ang presyo ng bigas sa pamilihan sa bayan mula 37-60 pesos kada kilo.

Aniya, ang pagtaas ay bunsod umano ng sunod-sunod na bagyo na nakaapekto sa mga palayan sa probinsya maging sa katabing rehiyon.

Ayon pa sa ilang rice retailers, nasa 60%-70% ang inaangkat sa probinsya mula sa Isabela at Cagayan.

Dahil dito, umaaray na ang ilang mamimili dahil sa pagsabay ng pagtaas ng presyo nito sa iba pang bilihin.

Ayon sa grupong Samahan ng Industriya ng Agrikultura o SINAG, walang epekto ang ginawang importasyon ng bigas sa bansa upang mapababa ang presyo nito.

Samantala, tiniyak naman ng grupo na sapat ang suplay ng bigas sa probinsya ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments