Nananatiling mataas ang presyo ng bigas sa merkado ngayon kahit pa natapos ang anihan season ng mga magsasaka, kinumpirma rin ito ng pamunuan ng Department of Agriculture (DA) sa Committee on Agriculture and Food.
Sa Dagupan City, hindi ramdam ng mga mamimili ang paggalaw sa presyuhan nito, taliwas sa kanilang inaasahan na bababa ito dahil naganap ang harvest season umpisa noong nakaraang buwan.
Sa kasalukuyan, nananatili sa 47 to 48 pesos kada kilo ang pinakamababang presyo ng locally milled rice habang nasa singkwenta pesos at mahigit ang mga magandang uri ng produkto.
Ilang mga consumer, dahil sa taas umano ng mga bilihin ngayon, hinahanap ang 45 pesos per kilo na bigas. Aminado ang mga ito, maging mga rice vendors na hindi kalidad ang 45 pesos bagamat dahil mapapamura ang mga mamimili ay ito raw ang takbuhan ng mga ito.
Sumabay daw kasi ang unti-unting pagtaas sa presyo ng mga karne na sa ngayon ay may taas presyo nang nasa sampu hanggang bente pesos sa kada kilo ng nasabing produkto.
Samantala, bagamat malayo raw ay umaasa pa rin ang mga ito na hindi na sisipa ang presyuhan ng bigas sa mga susunod na araw. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments