Patuloy ang pagbaba ng presyo ng bigas, ngayon, sa ilang pamilihan sa bayan ng Calasiao.
Ayon sa mga rice retailers, nasa PHP 50 ngayon ang kada kilo ng regular milled rice, samantalang PHP 54 naman ang kada kilo ng well-milled rice. Dagdag pa nila na ang pagsadsad ng presyo ay bumaba ng dos pesos, dahil panahon ngayon ng anihan kaya’t maraming suplay.
Samantala, ang sektor ng agrikultura sa rehiyon ay nakaantabay sa presyo ng bigas, gayundin, siniguro nila na sapat, sa ngayon o walang kakulangan ng suplay.
Ayon naman sa ilang konsyumer, mataas pa rin pa rin para sa kanila ang nasabing presyo, kaya naman ay iniinda nila ito at patuloy ang kanilang pagtitipid upang masuplayan ang kanilang mga pangangailangan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments