𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔

Nagkaroon na ng Bahagyang pagbaba ang presyo ng kada kilo ng bigas sa ilang pamilihan sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa lungsod ng Dagupan, bumaba sa P43 ang pinakamurang per kilo ng bigas, kumpara sa P46 hanggang P48 noon na presyo nito.

Sa bayan ng Calasiao, mayroon na ring maaaring mabili na P45 per kilo.

Sa bayan ng Rosales, bumaba pa sa P42 ang pinakamurang bigas na mabibili ng mga konsyumer, maging sa Bugallon na naglalaro sa P44 hanggang P45 ang pinakamababang kada kilo ng produkto.

Ayon sa mga rice retailers na nakapanayam ng IFM News Dagupan, nananatiling matatag ang produksyon nito.

Samantala, isa rin sa dahilan ng pagbaba ng presyo ay ang panahon ng anihan noong Agosto kung saan nagkaroon na ng maraming suplay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments