𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗟𝗔𝗞𝗟𝗔𝗞 𝗔𝗧 𝗩𝗔𝗟𝗘𝗡𝗧𝗜𝗡𝗘 𝗗𝗘𝗖𝗢𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗦 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗙𝗟𝗢𝗪𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗛𝗢𝗣𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗣𝗔

Asahan pa umano ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bulaklak at mga valentine decorations sa ilang flowers shops sa Dagupan City habang papalapit na araw ng mga puso.

Ayon sa panayam ng IFM News Dagupan sa ilang nagtitinda ng bulaklak sa may Burgos St., mula sa ₱600 na kuha nila per bundle ay umakyat na ang presyo sa ₱1,200 per bundle.

Kaya naman ang presyo ng per stem, umaabot na sa ₱70 at inaasahan na tataas pa sa pagdaan ng mga araw.

Ngayon, nagpapareserba na umano ng mga flower bouquets at dried flower decorations ang kanilang mga kostumer para di abutan ng pagtaas ng presyo.

Isa sa pinipili rin na bulaklak ngayon ang sunflower na nasa ₱60 ang presyuhan kada piraso.

Habang may mga dekorasyon din kung saan main theme ay pagkain gaya ng chocolates na siyang pinipili rin ng mga kustomer.

Samantala, isa rin umano sa patok na pinapagawa ng mga kustomer ay ang money bouquet. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments