Sumadsad na sa bente pesos hanggang bente singko pesos ang kada kilo ng kamatis sa ilang pamilihan sa Dagupan City bunsod ng sabay – sabay ng paghaharvest ng mga magsasaka sa naturang produkto.
Kung sa mga mamimili ay pabor sa kanila ang pagbaba ng presyo ng kamatis ay talo naman ang mga magsasakang mababa na ang kinikita na dapat sana ay makabawi ngayong buwan ng Disyembre.
Naglalaro dati sa 80 hanggang 100 pesos ang kada kilo ng kamatis, triple ang binaba ngayong buwan kung saan kanya kanya nang diskarte ang mga nagtitinda nito para mabawi ang puhunan.
Sa pagbagsak ng presyo ng produktong kamatis, ang tanging naging paraan ng mga tindero at tindera ay i-bargain ito at paubusin para hindi mabulok at masayang. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments