𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗠𝗔𝗧𝗜𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗗𝗦𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗣𝟲𝟬-𝗣𝟴𝟬 𝗞𝗔𝗗𝗔 𝗞𝗜𝗟𝗢

Sumadsad sa P60-P80 ang kada kilo ng kamatis sa mga palengke sa lungsod ng Dagupan isang linggo matapos maramdaman ang pagsipa ng presyo nito sa P160.

Ayon sa ilang tindera na nakapanayam ng IFM News Dagupan, marami ang suplay na ibinaba sa lungsod matapos ang magkakasunod na bagyo kung kaya’t natapyasan ang presyo nito.

Kaugnay nito, nanunumbalik na umano ang malakas na bentahan ng kamatis dahil sa pagbalik ng dating presyo.

Inaasahan ng ilang tindera na mananatili ang ganitong presyo ng kamatis sa kabila ng mga nararanasang bagyo na higit umanong makakaapekto sa suplay nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments