𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗥𝗡𝗘𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗕𝗢𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗔𝗦

Nakitaan ng pagtaas ng presyo ng karne ng baboy sa ilang pamilihan sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa Mangaldan Public Market tumaas ng sampu hanggang trenta pesos ang itinaas ng presyo nito.

Sa pakikipag ugnayan ng IFM Dagupan sa mga meat vendors, tumaas din, anila, ang live weight ng baboy kaya’t napipilitan din silang magtaas ng presyo upang hindi malugi.

Samantala, pinangangambahan naman na posibleng tumaas pa ito sa mga susunod na linggo, lalo pa at nagdedepende sila sa farm gate price ng mga ito maging ng suplay nito sa merkado. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments