𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗥𝗡𝗘𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗕𝗢𝗬 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗠𝗔𝗬 𝗣𝗔𝗚𝗚𝗔𝗟𝗔𝗪 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗥𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗛𝗢𝗟𝗜𝗗𝗔𝗬 𝗦𝗘𝗔𝗦𝗢𝗡

May bahagyang paggalaw na sa presyuhan ng kada kilo sa karneng baboy sa pampublikong pamilihan sa lungsod ng Dagupan.
Tumaas na ng nasa sampung piso ang kada kilo ng produkto, dating 330 ngayon ay nasa 340 pesos depende pa sa parte ng karneng bibilhin.
Ayon sa mga meat vendors, maaari raw pumalo sa 350 hanggang 360 pesos ang kada kilo nito lalo na at paparating na rin ang holiday season.

Sa kasalukuyan, aminado ang mga naglalako ng karne na matumal daw ang bentahan ngayon kaya naman umaasa ang mga ito na makakabawi sila bilang paghahanda ng mga mamimili sa selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon sa susunod na buwan.
Samantala, tiniyak ng mga ito na sapat ang suplay ng karne maging ang kaligtasan ng inilalakong mga baboy dahil araw araw naman anila ang meat inspection at hindi pinapayagang mag benta kung hindi tatalima sa itinakdang kautusan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments