Mas tumaas pa ang presyo ng karne sa ilang pamilihan sa Pangasinan sa unang araw ng Disyembre.
Ayon sa ilang meat vendors na nakapanayam ng IFM News Dagupan, araw-araw na umano na may paggalaw sa presyo nito kasunod na rin ng pagdiriwang ng Holiday Season.
Sa pampublikong pamilihan ng Calasiao at Dagupan, tumaas ng 20-30 pesos ang kada kilo ng baboy kung saan naglalaro sa P340 hanggang P350 ang kada kilo nito habang tumaas na rin ang per kilo ng manok na nasa P190 to P200 na ngayon.
Anila, inaasahan pa ang patuloy na pagtaas sa presyuhan ng produkto sa mga susunod na araw.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments