Nananatili sa kasalukuyang presyo ang mga produktong karne sa mga pampublikong pamilihan sa lungsod ng Dagupan.
Naglalaro sa ₱330 hanggang ₱340 ang kada kilo ng karneng baboy habang nasa ₱180 naman ang per kilo ng manok.
Wala rin umanong paggalaw sa presyuhan sa baka at naglalaro ang kada kilo nito sa ₱350 hanggang P360.
Ayon sa mga meat vendors, kadalasang nararanasan ang matumal na bentahan sa ilang produkto noong mga nakaraang linggo. Kung mabenta naman daw ay sapat lang na pambawi sa mga araw na konti ang benta ng mga ito.
Samantala, nananatili ring matatag ang produksyon ng mga pangunahing bilihin sa buong Ilocos Region ayon sa SINAG sa kabila ng nararanasang epekto ng El Niño sa sektor ng agrikultura sa bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments