𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗥𝗡𝗘 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗟𝗘𝗡𝗚𝗞𝗘 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗖𝗔𝗥𝗟𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗔𝗦

Bahagyang tumaas ang presyo ng karne ng baboy at manok sa new public market ng San Carlos City.

Pumapalo sa 320 pesos ang kada kilo ng karne ng baboy na mataas kung ikukumpara sa dating presyo na 280 pesos.

Nasa 190 pesos naman ang kada kilo ng karne ng manok na dating 170 pesos.

Ayon sa ilang meat vendors ng pamilihan, ang iba sa kanila ay direct to farm ang siste kaya dumedepende ang presyo sa suplay ng baboy at manok na kanilang pinagkukunan.

Samantala, nasa 80 pesos ang presyuhan ng repolyo at pechay habang naglalaro sa 320 hanggang 400 pesos ang kada kilo ng sili. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments