𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗚𝗥𝗜𝗖𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗔𝗟 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗖𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗜𝗡𝗔𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗦𝗬𝗔𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚 𝗚𝗔𝗟𝗔𝗪 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗕𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗠𝗔𝗡𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗔

Umaasa ang hanay ng Samahan ng Industriya ng Agrikultura o SINAG na hindi na gagalaw ang presyo ng mga produktong pang agrikultura kasabay ng nalalapit na Semana Santa.

Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay SINAG Chairman Engr. Rosendo So sinabi nito na sapat ang suplay ng mga Agri products kagaya ng karne, bigas, at iba pa ilang araw bago ang Semana Santa.

May inaasahan aniya na bahagyang pagtaas sa presyo ng gulay at isda dahil sa pag-aayuno ng mga katoliko subalit inaasahang hindi ganoon kalaki ang itaas nito.

Samantala malaking bagay aniya ang tulong na ibinibigay sa mga magsasaka sa lalawigan upang malabanan ang matinding epekto ng El Niño phenomenon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments