Nanawagan ang Samahan ng Industriya ng Agrikultura o SINAG sa pamahalaan na tutukan ang presyo ng mga agricultural products sa farmgate at retail.
Sa ekslusibong panayam ng iFM News Dagupan kay SINAG Chairman Engr. Rosendo So, Malaki ang agwat sa nagiging retail price ng ilang produkto tulad na lamang ng Bangus.
Aniya, ang farmgate price ng bangus ay 160 kada kilo, o pumapatak ng 190-195 sa mga pamilihan sa lalawigan samantalang pagdating na sa Maynila, papalo na ito sa 220 pesos.
Mahalaga ang pagtutok sa naturang isyu upang maiwasan ang pananamantala ng ilan sa mataas na presyo ng agricultural products.
Sa kaugnay na usapin, di umano nasa tamang direksyon ang agriculture sector sa pagdagdag ng ilang post-harvest facilities at agricultural infrastructures sa ipinopropose na budget ng ahensya para sa susunod na taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨