𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗥𝗡𝗘 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗕𝗔

May pagbaba ang presyo ng mga karne sa mga pamilihan sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Samahan ng Industriya at Agrikultura o SINAG Chairman Engr. Rosendo So, sa presyo ng karne ng manok ngayon ay nasa ₱160 pesos dapat ito sa merkado kung saan ay mas mababa ito kumpara sa mga nakalipas na taon.
Maging presyo ng karneng baboy ay mababa din aniya sa ngayon na naglalaro sa ₱270 hanggang ₱300 pesos ang kada kilo nito.

Hindi naman na aniya inaasahan na tataas o bababa ang presyo nito hanggang sa matapos ang taon habang tiniyak nito na sapat ang suplay ng mga karne. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments