𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗞𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗨𝗡𝗦𝗧𝗔𝗕𝗟𝗘 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢

Unstable umano ang presyohan ng mga produktong isda sa lalawigan dahil sa nararanasang pabago-bagong panahon.

Ayon sa mga negosyante, karamihan sa mga isda ay sumadsad ang presyo.

Ilan na lamang sa mga medyo mataas ang presyo ay ang tilapia na nasa 100 ang kada kilo mula sa 70 pesos sa mga nagdaang linggo. Ilan pa rito ay ang Bangus na nasa 110-135 pesos kada kilo, ang pusit 400 pesos kada kilo, yellow fin na nasa 120 pesos.

Samantala, patuloy ang pagbaba ng presyo ng galunggong na nasa 100-120 pesos kada kilo, hipon na nasa 250-280 pesos at sapsap na nasa 280-300 pesos.

Gayunpaman, matatag naman ang supply ngayon ng iba’t ibang produktong isda sa Magsaysay Fish Market, at asahan pa ito umano ngayong sumapit na ang tag-ulan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments