𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗕𝗨𝗬𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗟𝗘𝗡𝗚𝗞𝗘 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗞 𝗦𝗔 𝟰𝟬-𝟱𝟬 𝗣𝗘𝗦𝗢𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗗𝗔 𝗞𝗜𝗟𝗢

Bagsak presyo ngayon ang presyo ng sibuyas sa palengke sa Dagupan City dahil sa nararanasang sobrang suplay nito ngayon.

Sa sobrang taas ng suplay ng sibuyas ngayon, halos lahat na ng vegetables vendors, benta ang produktong sibuyas.

Nalula din ang ilang mamimili sa dami ng sibuyas ngayon sa mga pamilihan at hindi na nga raw alam kung saan pa bibili dahil sa magkakatabi na ang mga tinderang nagbebenta ng naturang produkto.

Naglalaro na ngayon ang presyo ng sibuyas sa palengke sa Dagupan City mula sa ₱15 to ₱25 sa kada kalahating kilo nito habang nasa ₱50 hanggang ₱60 ang bentahan sa kada kilo nito.

Madalas umanong kagatin ng mga mamimili ang nasa kalahating kilong benta ng sibuyas dahil marami na rin umano ito, ang kaso lamang hindi naman lagi bumibili ang mga ito ng sibuyas.

Kaya naman, pahirapan pa rin sa ilang tindera ang pagbebenta ng naturang produkto at kung saan nila ito dadalhin sa oras na umabot ito sa kanilang kinatatakutan na pagkabulok at pagkasayang dahil sa dami ng suplay na bumabagsak ngayon sa kanila.

Sa ngayon, suspendido muna ang importasyon ng sibuyas sa bansa mula buwan ng Pebrero hanggang Mayo ngayong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments