𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗕𝗨𝗬𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗕𝗔 𝗡𝗚 𝟮𝟬 𝗣𝗘𝗦𝗢𝗦 𝗞𝗔𝗗𝗔 𝗞𝗜𝗟𝗢

Dahil sa pagdami ng suplay ng sibuyas sa Pangasinan, bumaba ng 20 pesos ang kada kilo nito sa mga palengke sa Pangasinan.

Ang pulang sibuyas mula sa 100 piso kada kilo, ito ngayon ay nasa 80 pesos at posible pang maging 60 pesos sa mga susunod na linggo ayon sa ilang tindera.

Ayon sa grupong SINAG, nag-aani na ang ilang magsasaka sa Pangasinan gayundin ang ilan sa Nueva Ecija kaya’t nagdudulot ito ng maraming suplay sa merkado.

Ilang mga mamimili naman ang natuwa sa pagbaba ng presyo ng sibuyas dahil isa ito sa mga pangunahing sangkap sa kanilang pagluluto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments