𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗟𝗜 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗞𝗔𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗥𝗡𝗘

Kasing presyo na ng karne ang pulang sili at berdeng sili sa mga pamilihan sa Pangasinan.

Sa Dagupan City, ang pulang sili, nasa P240 to P260 ang kada kilo habang mas mataas pa ang green na nasa P350 ang per kilo.

Sa lahat umano ng pampalasa, ang sili ang sumipa ang presyo ngayong papalapit ang Holiday Season.

Samantala, naglalaro sa P100 hanggang 120 ang kada kilo ng sibuyas habang nasa P140 hanggang P160 naman ang presyuhan sa per kilo ng bawang.

Ayon sa mga vendors, mataas hanggang sa kasalukuyan ang ganitong presyo bagamat kung ikukumpara sa presyo nang nakaraang taon ay mababa na ito.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments