Walang magiging pagtaas sa presyo ng mga poultry products tulad ng itlog sa kabila ng naapektuhang mga livestocks dulot ng nararanasang mainit na panahon, ito ay ayon sa pamunuan ng Department of Agriculture.
Matatandaan na nito lamang ay umakyat pa sa P1.75B ang naitalang danyos sa sektor ng agrikultura dahilan ang epekto ng El Niño, at ngayong papasok naman ng dry season, napapaulat ang ilan sa mga poultry farms, ang mga alagang manok ay namamatay dahil sa matinding init ng panahon.
Sa Dagupan City, hanggang sa kasalukuyan, nasa P4.50 ang maaaring mabiling pinakamababang presyo ng itlog sa mga pampublikong pamilihan, nasa P8.50 hanggang P9 naman ang pinakamalaking size ng produkto.
Wala ring paggalaw sa presyo ng manok mula pa pagpasok ng taong 2024 na nasa P180 ang kada kilo.
Ayon sa mga meat vendors, hindi naman daw nakikitaan ng kakulangan sa suplay ng manok sa kabila ng nararanasang mainit ng panahon ngayon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨