𝗣𝗥𝗘-𝗗𝗜𝗦𝗔𝗦𝗧𝗘𝗥 𝗥𝗜𝗦𝗞 𝗔𝗦𝗦𝗘𝗦𝗦𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗠𝗘𝗘𝗧𝗜𝗡𝗚, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗨𝗜𝗡𝗜

CAUAYAN CITY- Nagsagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) Meeting ang Lokal na Pamahalaan ng Tumauini bilang paghahanda sa paghagupit ni Bagyong Marce.
Ang naturang pagpupulong ay pinangunahan ni Municipal Mayor Venus Bautista kasama ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) na binubuo ng mga municipal officials, department heads at mga tauhan ng mga national government agencies, at mga civil society organizations.
Nakahanda naman ang pamunuan ng MDRRMC kasama ang hanay ng PNP, BFP, Rescue 811, at Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee ng 46 na barangays ng Tumauini.

Facebook Comments