𝗣𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗙𝗥𝗘𝗘𝗭𝗘 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗞𝗧𝗢, 𝗘𝗣𝗘𝗞𝗧𝗜𝗕𝗢 𝗞𝗔𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗣𝗘𝗞𝗧𝗢 𝗡𝗚 𝗘𝗟 𝗡𝗜Ñ𝗢

Epektibo ang price freeze o walang paggalaw sa presyo ng ilang uri ng mga canned goods at iba pang grocery products.

Ito ay matapos mapagkasunduan ng mga food manufacturers na panatilihin sa kasalukuyang presyo o hindi muna taasan ang presyo ng ilang grocery items bunsod ng patuloy na nararanasang epekto ng El Niño Phenomenon.

Ilan sa mga produkto sa ilalim ng price freeze ay ilang uri ng mga sumusunod: bottled water, canned corned beef, meat loaf, full cream milk at instant noodles.

Magtatagal ang nasabing price freeze hanggang sa ika-10 sa buwan ng Hulyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments