
βCauayan City – Ipapatupad ang bigtime price hike sa mga produktong petrolyo ngayong araw, January 20, 2026.
β
βSa inilabas na abiso ng ilang oil companies, P2 ang itinaas sa diesel, P1.50 naman sa kerosene, habang P1 naman ang itinaas sa gasolina.
β
βSa Petron, ang kanilang Diesel Max ay nasa P56; ang Turbo Diesel ay nasa P58, Xtra Advance na nasa P56, habang ang XCS naman ay nasa P57.
β
βAng Fuel Save Diesel naman sa Shell ay nasaΒ P60.60, ang V-power diesel naman ay nasa P69.10, Fuel Save Gasoline na nasa P61.30, at ang V-power gasoline naman ay nasa P64.30.
β
βPara naman sa Eighteen V, nasa P51.60 ang diesel, P52.50 naman ang Premium at P52.30 naman sa Eco max.
β
βAng diesel ng Eco Power Oil ay P50.50, ang kanilang premium naman ay P52, habang P51.80 naman sa Supreme.
β
βSamantala, mas maaga nang nagbabala ang Department of EnergyβOil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) ng posibleng pagtaas ng presyo ngayong linggo, dahil sa pangamba na maaaring lumala ang tensyon sa Iran na posibleng makaapekto at makagambala sa suplay ng krudo.










