
Cauayan City – Muling aasahan ang paglobo ng presyo ng produktong petrolyo bukas araw ng Martes, Marso 24, 2026 sa kabila ng nagpapatuloy na kaguluhan sa Middle East.
Ayon sa mga industriya ng produktong petrolyo, tinatayang tataas ang presyo ng P16.50 hanggang P17.50 sa kada litro ng diesel at P7.50 hanggang P8.50 nman kada litro ng gasoline.
Dahil dito, ang retail prices ng diesel sa bansa ay maaaring umabot na ng hanggang P130 kada litro, habang ang gasolina naman ay aabot na ng P100 kada litro.
Matatandaang dalawang magkasunod na linggo nang nagpatupad ang mga oil companies ng malakihang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.
Sa kabila ng muling pagsirit ng presyo, tiniyak ng DOE sa publiko na may sapat pa ring suplay ng langis ang bansa kasabay ng pagbibigay babala laban sa hoarding.
Source: Cagayan Provincial Information Office










